Circa Early 80's:
Grade 2 ako noon. Bading na po. I remember crush ko ang neighbor naming basketbolero. Palaging naka shorts na super iksi. Inaabangan ko whenever nakikigamit ng telepono sa bahay. Yes po, kami lang ata ang may PLDT line noon sa barangay namin. Habang nagtetelebabad ang crush koh, super walis naman kunwari ang drama ko sa background. Gagah ko ano?
Sa school naman, obvious na obvious ako. Yellow kasi ang bag ko. One day, introduction of new classmates raw from our teacher. 3 months after nag-start ang class, new classmates na naman? Vakit? Me na-promote raw from grade 1 to grade 2. Dalawa. At isa si Ekra dito. Ang taray ng Ekra. Matalino. Sikat sa klase. Tse!
Naging friends na kami ni Ekra since then. Tawagan sa phone ever. (Opo, meron ding PLDT line sina Ekra, me party line nga lang. Chos!). Pero walang kabadingan of course. Puro school work and extra curricular ang mga chika namin noon.
Circa Late 80's:
High School. Nagkahiwalay na kami ni Ekra. Lumipat ako ng school. Iba na ang mga kaibigan koh pero tawagan pa rin kami ni Ekra paminsan minsan. Off topic pa rin ang kabadingan. Super pressured ako noon sa High School namin. Nandoon kasi ang sisterette kong tunay. Me pagka-sikat naman ang bruha doon kaya medyo behave talaga ako. Ayaw ng sister na pabading bading ako. Kaya ang kinalabasan ng Lyka...... Paminta! (na super dala hanggang ngayon).
Ekra stayed in the same school where we finished Grade School. Doon nya nakilala ang Kelly. Friendship sila pero di ko pa kilala si Kelly that time. Super taray at ingay raw tong si Kelly noon. Balita ko, kasama sila na pasaway noon. Off topic pa rin ang kabadingan kahit alam na ng isa't isa ang tunay napagkatao nila.
Circa Early 90's
College: Ang Ekra super fly sa Manila at doon nag-aral sa UP Diliman. Tse! Ako naman ay pa-sweet. Nursing ang kinuha. Bumalik sa former school ko para mag-BSN. At ang Kelly? Classmate koh! Di ko alam na friendship sila ng Ekra sa High School. Dahil nga same high school sila ng Ekra, asked ko ang bagong classmate koh kung kilala ang Ekra. As in super Gloria Diaz smile kaagad ang Kelly. Mula noon, friendship na kami.
First week sa College. Meron kaming classmate na tahimik lang sa gilid. Mukhang probinsyano. Mukhang taga Barrio. One time, meron kaming payment due sa school. Di ko po alam yun! Kaya no bring bread ketch. Due na pala that day. Siyet! Ang Kelly, tama lang pera. Bwiset! Nakita ko ang probinsyanong classmate ko na nasa tabi ko at ask ako kung pwede munang makahiram ng pera at bayaran ko na lang the next day. Ok naman sa kanya. Solved ang problema.
The next day, payment time na. Hinanap ang probinsyanong classmate at binayaran. Super friendly ang Lyka. Super tanong ng name at personal stuff tungkol sa new classmate. Hanggang sa birthday napunta ang usapan. Gosh! Pareho ang birthday namin! Parehong year. Wow! Kakaiba. Mula noon, friendship na kami. Friendship na kami ni Mama O.... at of course ni Kelly. Tatlong mga bading patago sa College. Opo, walang kabadingan pa rin.
Until ng nagka-BF ako nung Fourth Year. Super out of the closet na akoh sa mga friendship koh. Ke Mama O at Kelly. Hanggang sila na rin nag out of the closet sa kin.
At this time, ang Ekra, super rampa rin pala sa Manila. Di namin alam toh dahil di pa sya open noon whenever umiwa sya sa aming province. Dahil nga friendship nya ako ng grade school at friendship nya rin ang Kelly ng High School. Sabay sa barkada every summer ang bruha. Boracay Escapades palagai ang aming drama noon. Hanggang naging-close to you na rin sila ng Mama O.
Circa 2000's:
Hanggang sa Amerika, friendship pa rin kami nina Mama O at Ekra. Di na mukhang prbinsyana ang Mama O. Sya na ang pinaka fashionable sa amin. Kami na ang mukhang probinsyano whenever kasabay ang bru. Si Ekra kumuha na rin ng Nursing at nakapagtapos dito. Ang Kelly? Naiwan sa Pinas. Nangiba ng course. May BSN nga sya kaya lang ayaw nya raw magpunas ng pwet ng ibang tao kaya ayun, Manager ng Hotel ang drama. Pero lately, gusto na ring pumunta dito. Kaya wait pa rin kaming tatlo para completo na ang LTE Sisterhood.
Yan po ang History namin.
-----O------
Boring ano? Kakainis na post toh. Pasayahin nga natin. Hidden are some link pics of the LTE ladies in their natural state, minus Ekra. (Baka magalit eh. Di pa naman kami sa mabuting kalagayan ngayon). Hanapin nyo nga sa buong post above ang mga hidden pics na toh! Ito'y mga pics namin nina Mama O at Kelly. 15 silang lahat. Describe sa comment section kung anong pic ang nakita nyo. Ang may maraming nakikita, Panalo! Good luck!
No comments:
Post a Comment