Saturday, April 18, 2009

Puzzle(D) for Kid

Distance:
Dito ako at dyan ka. Paano mag work to? Every year? Every six months? In 30 days? In 2 weeks? Sana kung nasa Manila lang ako or Cebu every weekend uuwi ako for you dyan sa Molo. Pero....nasa San Francisco ako. Kakain na lang ako ng Pancit Molo. Sabi nila, sa lahat ng Distance Love, Trust lang kailangan, pero sorry, hinahanap ko pa to. Buti pa si Mama O, ang dami nito. Trust lang ang gamit nya, variety pa ang kulay. 

Age:
14 years? Nasa HS na ako ng pinanganak ka. Alam ko na na hindi flat ang mundo nun at ikaw, lights and shadows pa lang ang makikita mo. Sinabi mong parang mas matanda ka pa sa akin ngayon kung ako'y mag-drama. Tama ka.... di rin ako masyadong ma-drama noon ng ako'y 22. Di ko na kilala ang mga sikat na banda na sinasabi mo; Di ko na sinasayawan ang mga tugtug na gusto mo; Abercrombie and Fitch ang gusto mo, Banana Republic ako. 

Rapidity:
Ilang araw lang ba tayong nagsama at bakit sinasabi mong love mo na ako? Yeah, we met last year pero dalawang araw lang yun. Ang bilis di ba? Di mo pa nga alam kung ano ang favorite color ko. And during the time I was there, di naman tayo magkasama palagi dahil may work ka. Kung minsan, di ko na alam kung totoo ang sinasabi mong nararamdaman mo. Ang bilis kasi. 

Resources:
Magastos. Ang tawagan natin almost araw araw and you even want me to answer your calls? I dont want you to spend too much coz i know you work a lot for your personal expenses. Texting is much cheap but still. I was thinking of going home every six months for you, but I am not that rich. Kung mayaman lang sana tayo.

Yearning:
I cannot even touch you for a year. Ano ba yan? I miss our yakapan every night when I was there. Buti na lang di nagtatanong ang Nanay ko kung saan ako natulog at kung bakit umaga na akong umuuwi. Ngayon, Mahirap! Wala ka na sa tabi ko. Sometimes I long for a touch instead of a call. Can I wait for another year? Or maybe, the question should be: Can you wait? That worries me, kasi i know daming may gusto sa yo, pero ewan. 

Love:
Pero, yeah. What can i do? Love kita. At napag-isip ako, baka tama nga ang sinasabi mong nararamdaman mo dahil nararamdaman ko rin to. Posible, posible ang lahat. Pero...... tama kayang ipagpatuloy natin to?

No comments:

Post a Comment