Yan ang tone ng Globe roaming phone ko kung may message akong matatannggap.
After I got back here in SF from my Pinas vacation, i had a lot of "Oink! Oink!" received. Almost everyday hanggang ngayon at sa isang tao lang galing to. Sya ang taong iniwan ko sa Pinas ng nag-bakasyon ako doon. Madami ring nangyari sa amin doon... almost everyday during my 2-week stay there kaming nagsama. Everyday ang landian. Everyday ang you-know-what.
Txt ng Txt si loko.....
Day 1: "I Love you. I miss you already".
Sino ang di kikiligin nyan?
Day 2: "You know what, I love you na talaga"
Aba.... napa-smile ako
Day 5: "Akin ka lang ha. I love you. Muah3X"
Day 6: "Palangga, u r always n my mind. Love you! Muah3x"
Paniwalang paniwala ako dito ha. And it goes on and on.
Day 10: "Miss you so much! I love you!"
Day 15: "I Love you! I Love You! I Love you! Muah3x""
Teka nga muna.... bakit parang di na ako nasisiyahan. Bat parang di na ako naniniwala. Templated na ata ang I Love You's nito ah? Everyday, yan lang ang masasabi?
Day 16: " I love you, Palangga! Miss U! Muah3x"
Leche! I txted him to stop it. He told me he's just telling me how he feels. I told him its irritating na and it doesnt sound sincere anymore.
Day 17: "Dont say goodbye pls. I love you that much!"
I really need time to think about this. Yeah, medyo nahulog na rin ako sa kanya, admit ko yan, kahit nandoon pa lang ako at di pa nakauwi dito.
Pero di ko na makaya ang pattern ng mga txt messages nya. I am doubting na the genuineness ng mga txts na toh. Niloloko ata ako nito eh?
"Oink! Oink!"
Ayan na naman sya.... alam ko na kung ano ang laman ng txt message na to. Di ko na dapat basahin pa. Leche!
-----O-----
Minsan, dasal lang tayo ng dasal ng ating "Our Father's" at "Hail Mary's" at di natin namamalayan na di pala galing sa mga puso natin ang nire-recite nating prayers na to. Minsan, 10 times pang pa ulit ulit as instructed by our parish priest. Minsan, pabilisan lang. Minsan nakisabay lang sa iba for the sake of praying lang talaga. Masisiyahan ba ang ating panginoon nyan sa langit?
No comments:
Post a Comment