Bakit Rainbow ang symbol ng Kabadingan? Bakit hindi Horse or Frog? Bakit hindi Sapatos or caricature ni Dorothy? Or di kaya Stars or, or.... or.... Dahon? Bakit Rainbow nga ba?
Dahil ba makulay tayo? Dahil siguro masiyahin tayo? Or di kaya "Hope" ang ibig sabihin nitoh? Or di kaya may Pot of Gold tayong idudulot sa mga Papa sa tabi tabi? Chos!
Siguro, dahil may iba't ibang klase ang pagiging bading. May Class, Subclass, Infra-class, (at wa Class). May Family, Genus, Species, and so on.
Sa buhay kong ito marami na rin akong nakilalang bading. At isa lang ang masasabi ko, hindi tayo lahat pareho.
May bading na gustong maging babae at meron namang paminta. Merong nadiri sa sarili nyang titi at meron naman diring diri sa titi ng kapwa bading nya. Merong proud dahil bading sya at merong kinahihiya ito. Merong gustong maka-dyug, Straight lang at meron namang Straight-looking lang. Merong Topsina, merong Bottomista, at meron ding Versace. Meron na sex lang ang laman ng utak at meron ring 40 na at virgin pa, kahit tsupa di pa nakahada. Karamihan mahilig sa Fashion at meron ding baduy. Merong Pa-girl na deny to death pa rin ang kabadingan nya. Meron ding pa-butch na di bagay. T-Bird ang kalabasan nya.
Meron din raw na Bi at meron ding Bye-Bye Titi via Surgery. Ipasok na rin ang mga curious chu-chu na nakailang dyug na sa kapwa lalaki, curious pa rin. Merong hate ang kapwang obviosang bading at meron ding wa paki. Merong mahilig kay Regine at meron naman Pa-Rock ang drama. Merong Beauty Contest addict at meron ding wiz kilala si Geraldine "Pebbles" Asis. Merong mataray at meron ding pa-demure. Merong scared at meron ding hindi scared. Merong naniniwala na sila ay pwede pang maging Straight at meron naman tanggap na bading sila straight to death. And so on... and on.
Kabadingan nga talagah! Ibat iba ang classification. Parang Halo Halo sa Chowking. May Saging, May Mais, May Ube, May Beans, May Leche Flan..... and as one.... MASARAP!
Kaya join na sa Rainbow Bloggers Philippines. A Group Blog of colorful Pinoy Gay Bloggers all over the world. Its a blog of our own where we can post anything under the Rainbow. It's also a directory of "Us".
Ang sabi nga ni Kiks...... "Coz we are more than just Yellow Pages" Tama ka Kiks! Di lang Yellow but Roy G. Biv tayo! Now Gooooooo and embrace Mr. Biv! Gooo Pinoy and say Tse! All together now!
No comments:
Post a Comment