Wednesday, July 29, 2009

Lyka's "Dose"


Sila ang sampung mga lalaki sa buhay ko.... ng ako ay nasa Grade 6.

1. Richard Gere
2. Lito Gruet
3. Corey Haim
4. Emil Sandoval
5. Corey Hart
6. Gabby Concepcion
7. Christopher Reeve
8. Miguel Rodriguez
9. Tony Danza
10. Julio Diaz

-----O-----

Si, Mark, kasama ko sa trabaho... di tunay na pangalan. Di kami masyadong busy kaya napatanong sya sa akin: "Sino ba ang babae na pinapantasyahan mo noon ng bata ka pa?" 

Kung totoo lang ako kay Mark, sampu ang nasa listahan ko. Sila ay di ko makakalimutan ever emporium. Si Richard Gere, na walang pelikula noon na di sya nakahubad: American Gigolo, Breathless, at No Mercy. Di ko makalimutan ang pagpo-pause ko ng betamax namin  noon. Si Lito Gruet. Ang close-up smile nya  at ang Hubo sa Dilim. Si Corey  Haim na super crush ko sa The Lost Boys. Ang Kulasisi ni Emil Sandoval. Ang boses at fez ng Corey Hart. Ang cover ng Kislap Magazine na naka trunks lang si Gabby Concepcion. Ang bukol ni Superman (Christopher Reeve). At ang kanyang pinoy version na si Miguel Rodriguez sa Virgin Forest. Ang cute na Tony Danza sa Who's The Boss, at ang short demin shorts ni Julio Diaz sa Takaw-Tukso

Sila! Sila ang mga lalaking pinapantasyahan ko noon ng ako'y dose pa lamang. And yes, baklang bakla na ako noon. At obviosang matanda na ngayon para sa mga batang wiz kilala ang karamihan sa aking listahan. (At Oo na! Dalawa na ang patay sa kanila! Tse!) Di ko sila makakalimutan at si Mark kasi, tanong pa ng tanong.

Dahil hinde pa ako Out kay Mark, iba ang sagot ko sa tanong nya.... 

"Si Phoebe Cates!" (Sabay alis at nagpakunwaring busy!) 

No comments:

Post a Comment