Wednesday, June 17, 2009

Spagetting Pababa

I went out of work early kanina. I was craving for Spag... so dumaan ako ng grocery store at bumili ng mailuto. I texted sis Jezebel na am going to be home early and will cook spag and buy Merlot for dinner. Excited ang gagah.  

I havent seen Jezza for 4 days na. She went to LA kasi for the Gay Pride Weekend doon. There's a lot of catching up to do. The spag and the wine will be a good match. 

Jezza is not home yet when I got home. Nagluto na ako ahead. I also bought bread to toast. Nilagyan ng butter at nilagay sa oven. 

Good timing ang Jezza. Ready to eat na ang Spag ng dumating sya.



4, 3, 2, 1.... kumain na kami. Kwentuhan galore. I asked him about LA. He told me about what he felt sa kanyang bestfriend doon. Naiba na raw ang samahan nila dahil may Jowa na ito. Di na katulad ng dati na everytime magkasama sila, go lang ng go ang bakla. Pero ngayong may Jowa na, for your consideration na ang Papa nya. Kung ayaw nito, ayaw na rin ng BFF. 

Yan ang topic namin habang eating the Spag and drinking the Merlot: Naiiba na ba ang samahan ng baklang magkaibigan kung may mga Jowa na ang mga ito? 

Ang dami ng processing ang naganap. Possesive lang ba tayo? Naging number 2 na lang ba tayo being a friend at number 1 dapat ang Jowa? Kasalanan ba ng Jowa kung di na katulad ng dati ang samahan nating magkaibigan? Or kasalanan ba ng ating kaibigan for choosing the Jowa over us when it comes to decision-making?

Very interesting ang conversation namin ng Jezza. Naka dalawang serving ng spag ang gagah! Pero teka..... asan na ang Toasted Bread? Asan na? OMG! Eto na sya:



Moral Lesson: Huwag pabayaan at kalimutan ang mga baklang kaibigan dahil sarap na sarap ka na sa Jowa mo. Sabayin ang toasted bread sa Spag at wine.... lalong sasarap ito! 

No comments:

Post a Comment