Sunday, June 24, 2007

Character: Letlet

Real characters na bumigay ng pamandaliang aliw sa malafantasiang buhay ng LTE. Unscripted. Candid. Spontaneous. Here is our first feature: Si Letlet.

Si Letlet, friend namin. Bruha, Impakta, Bitch talaga. Kakatuwa. Kaka-aliw without even trying. In other words, Babaeng bakla. Eto ang unang hirit nya.

Ang Banat ni Letlet: The Necklace

(First of all, hindi si Letlet ang nasa pic sa left.)

Ang setting: Baby shower ng isang kaibigan nami na si Evangeline. Lahat ay nandoon. Kantahan dito, kwentuhan doon ng biglang pumasok ang late-comer na si Monica na kararating lang galing 'Pinas. Dramatic entrance ang gagah. Naka tube top eto, faded Se7en jeans with open-toe heels and with matching eye-catching necklace.

May katabaan dati itong si Monica kaya kapansin pansin ang pagbabago nito. Lahat ay napatingin. Stop ang kantahan, sayawan at kung ano pa. Pati si Letlet napasama sa crowd to greet Monica.

Halos lahat ay give comment para sa bagong Monica: "Pumayat ka na....", "Ang sexy mo na!". "Nag-lose weight ka nga ba? "

Pero si Letlet, iba ang hirit nya: "Talagang pumayat yan. Etong necklace na toh?" (Tinuro ang suot na kwintas ni Monica para makita ng lahat)..."dating choker yan!"!

Yan si Letlet!

No comments:

Post a Comment