Sunday, April 27, 2008

A Line That Explodes



Gay quotes this week in The Lyka Bergen Show. Mga salitang galing sa mga bibig ng mga ka-sorority ko this past few days. Kanya- kanyang drama. Pero tulong-tulong sa solution.

"Minsan, naisip ko, sana naging Paminta na lang ako!"

Bading! Maghanap ka ng BF na magugustuhan ka as 'YOU'. Wag magpanggap! Be yourself. I know that we'll all do anything for love pero altering your persona? Ibang story na yun. I dont want you to look and sound like Butch Francisco.... ever. Pls. lang! Kung bottom ka! Bottom ka! Chos!

(Overheard. Usapang mag-BF.) "This is me. Sarcastic, Opinionated.... If you dont accept me as me, then leave!"

Lola! Ikaw ha! 'Leave-Leave' ka dyan at baka magsisi ka at hanap-hanapin sya. If you like him, you also have to accept him as him. Davu? Ganon lang yun eh. Give and Take.

"Ako? I dont pursue guys. Kasi nga alam ko talaga na di naman nila ako magugustuhan. I dont like rejection. Ayokong masaktan. Kaya eto.... Zero".

Eto oh! I bet there is something you dont like about yourself. Whatever it is, do something about it. Kung ang fez mo ang problema (which i think hindi naman), daanin sa katawan. Mag work-out everyday at mag-diet ocampo! Mahal at mabenta ang 'hipon' ngayon! Kung personality mo naman ang problema mo, mag-enroll sa John Robert Powers. Ching!

"Ayoko ko sa kapwa bading. Gusto ko straight!. Kaya lahat ng naging BF ko.... bayaran!"

Magastos ka 'Day! Minsan di ko maiintindihan ang mga bading na katulad mo. Pero kultura pala natin to sa Pinas. Sorry ignorante ako dati. Ngayon na marami akong nakilalang bading na ayaw sa bading. Naiintindihan kita. Basta kung saan ka Happy, go ka! Siguraduhin mo lang na may pera ka.

"Ako ang me kasalanan, hindi ikaw! Nagpa-uto ako sa yo!"

San Lorenzo Ruiz ang drama ng bading natoh! Martyr Nievera! Kahit kasalanan ng iba, gawing kanya... para lang mapabuti ang mahal nyang Papa. Kalokah! Teka nga muna..... parang galing sa bibig ko ang mga salitang toh ha. Aaaay! (Update: Nag-usap na kami ulit ng Papang sinabihan ko nito. Di raw ako inuto. Akala ko lang yun! Tse!)

Sa mga sisters kong nagsabi ng mga words na toh, Chos lang po ang lahat na toh. Nothing personal. I could be wrong. Kasi alam nyo, madali nga talagang magbigay ng advice. Pero kung ikaw na ang nasa situation, mahirap talagah.

For our baklada's sake, let's unite! Volt In!

-----O-----

Pero etoh! Etoh ang ka-dramahan ko. Ang Lyka's Music of the Week ay handog para sa lalaking sinabihan kong inuto ako. You know who you are. Para sa yo to. 'Fresh Feeling' by Eels.

"I'm here to tell you, that it is good, that it is true".

Corny na kung corny! Wala akong pakialam!


No comments:

Post a Comment