Monday, October 20, 2008

Odd Gay Couple



Kakatapos ko lang panoorin ang Italyanong pelikula na may pamagat na L' Imbalsamatore (The Embalmer) at may moral lesson din akong nakuha dito. Eto sya......

Ang straight ay para sa kapwa straight lang
At ang bading ay para sa kapwa bading lamang.

Yun na! When it comes to finding a partner, wag ng pilitin pa na ma- In Love ang mga Papang Straight sa atin at baka matulad tayo kay Peppino (ang bakla  sa pelikula na natsugi dahil sa pag-ibig). Di ba kalokah? IMO, tayo pa rin ang talo sa huli kung papasukin natin to. 

Remember ko tuloy ang kwentuhan namin ni Bananas. Ito kasing baklang to, may crush na super gwapo. Eh hindi nya raw alam kong papano landiin ang Papang gwapo. Isa lang ang advice ko sa kanya. Eto....... 

Ang maganda ay para sa maganda
Ang pangit ay sa pangit.

Natahimik ang bruha. Akala ko nagalit. Kaya dinagdagan ko na lang kaagad. Eto.....

Ang matatalino ay para sa matatalino rin
At ang mababaw ay sa mababaw lamang.

Kaya kung Matalino ka at Pangit, pwede mo maangkin ang Papang Gwapo. Ito'y kung sya ay matalino rin. 

Napa-agree ang Bananas. That means........ Pangit sya! Chos! (Mare, Jokla lang at wag magalit. Kasi... Ang mga mababait ay para sa mababait. At ang pikon ay Pangit!

Na-ikwento ko to kay Mama O. Iba naman ang comment ng bakla. Eto ang sabi nya..... 

Ang Mayamang baklang pangit ay para sa Papang gipit!

(Ano ba yan Mama O? Palitan yan dali! Palitan!)

No comments:

Post a Comment