Tuesday, August 14, 2007

Tres Q's for the Queers

1) What is Your Favorite Madonna Song?

Rain, always come to mind. I dunno, probably because of the video. I so love it kasi... really. Kakainis ang vuhok ng Madz ditets. Ang tarush! The rhythm is so me. And yeah... those spoken words ending? "....And without a sound you'll appear and surrender to me, TO LOVE". Diva kakainis?

I asked Mama O naman kung ano sa kanya. This Used To Be My Playground raw. Asked naman ako kung why? Ang sagot: Naalala nya raw na ang palayan nilang pinaglalaruan nya ng bata sya..... Leche! Di ko alam na nostalgic ang bruha!



I dunno kina Ekra and Kelly. Di ko na ask. Sa dahilan nga na no words pa rin kami ng sister Ekra at ang Kelly naman ay di ma-contact sa phone nya. Feel ko yung ke Ekra ay Ray Of Light sa dahilan na mahilig ito sa Techno. At ang ke Kelly? Borderline... dahil nga borderline ang pagka-bading ng ate ninyo!

2) Imagine na famous Photographer ka and ang assignment mo: Ten Best Living Filipino Actresses in one Photo. Zino zino ang Pipiliin mo?

Yes! you have the freedom to choose sa ating mga bruhang best actresses. Lahat naka-gown na black, no smiling dafat. Puro matataray ang pose.... group picture ala Annie Leibovitz's Vanity Fair photo below.



Here is LTE's choice:
1. Nora Aunor (Naka Inno Sotto sya!)
2. Vilma Santos (Nakaupo at crossed ang legs dafat)
3. Gloria Romero (Dapat nasa gitna dahil sya ang pinaka matanda)
4. Sharon Cuneta (Nasa likod ni Gloria para hidden ang figure)
5. Maricel Soriano (Naka Rajo. Crossed ang arms).
6. Dina Bonnevie (Bongga nag make-up! At may long slit ang outfit)
7. Cherie Gil (Malditah look as usual, medyo naka-akbay ke Sharon)
8. Zsa Zsa Padilla (With pouting lips ha, katabi ni Dina)
9. Lorna Tolentino (Naka sideview at back to back sila ni Maricel)
10. Claudine Barreto (Nasa ground lang, nakahiga)

What? Wala si Hilda Koronel? Mga Ineng baka masira ang picture. Chos! Si Anita Linda kaya? Or si Beth Bautista? Si Jacklyn Jose naman ay sumakit ang ipin kaya si Claudine na lang ang pumalit. Ching!

3) Regine or Lea?



Mahirap to ha! Parang pinapipili ka kung zino ang i-dyug mo for one night between Jake Cuenca and Victor Basa. Chos! Si Lea Salonga siguro, sa dahilan na me Tony ang gagah! Pero sa biritan, ang Regine V. di magpapatalo. Maraming bading fans ang Regine ha at marami naring nahalikang Papa sa mga cheesy na pelikula nya. Sa pananamit? Wala sa dalawa! As in,... hello?

-------O------

Hay naketch. Cant wait sa mga comments nina Bitter Bitch, Goddess, at Oxana Olafski. Ang tatlong pinaka matataray sa barkadahang bading ng LTE. Tse!

No comments:

Post a Comment