Chase's Me-Me: Write 3 or more pointers about the stuff you wonder about if you were of the opposite sex.
Mrs J's Me-Me: Write 6 weird things about you!
Juice! Pwedeng One answer to each Meme from each of the LTE ladies na lang? Baka aabutin pa tayo ng Semana Santa nito kung talagang 3 plus 6 each kaming mag answer nitets! At ako na lang ang sasagot for my sisters, kasi mga gagah sila! Kaya eto na lang!

On Chase's: Feel ko, kung naging babae ako, ako'y isang Prima Ballerina. Remember ko kasi dati when I was about 6 years old iniyakan ko ang Mom ko na mag-enrol sa isang Ballet Class. Ewan kung bakit hindi pinatulan ng Mom ang pangarap kong ito. Probably dahil siguro natakot na maging bading ako that time (ballet or no ballet, bading talaga ang anak nya!) or di kaya wala lang talagang pera noon.


On Chase's: Si Kelly kung naging babae, I am sure magiging Pop Diva sya. Mahilig kasi kumantot... I mean kumanta ang ate ever since. Maganda ang boses nya, inferness, always second place nga sa Singing Contests na sinasalihan nya. Dating lead vocalist pa yan ng banda sa bukid nila ha! Feel ko rin na tibo na babae itong si Kelly sa dahilan na mahilig din sa babae ang gagah. Kaya ala Melissa Etheridge and K.D. Lang ang drama nya!


On Chase's: Si Mama O kung naging babae, I am sure Figure Skater sya. Yun kasi ang fantasy ever ng Mama. Hindi lang pipitstuging skater sya, Michelle Kwan calibre dapat ang Mama. Ang problema, lumaki ang gagah sa kangkongan nila doon sa outskirts ng Iloilo City. Walang Ice Rink doon! Papaano maging figure skater ang Lokah? At isa pa, maiikli ang mga legs ng Mama! Ay ewan..... Mag supermodel nurse na lang kaya sya? Like what he is now?


On Chase's: Si Ekra naman kung babae, I am sure sya ay isang Prosti. Prosti for Free sya. Pro Bono. Remember ko kasi noon, ang topic namin habang naglo-long drive kami somewhere, was mismong topic na to. Kung tunay kang babae, ano ka? Ang sagot naman ng Ekra:, "Haaaay! Siguro, almost every night ako'y may dyug. Magtatambay ako sa mga bars at aakitin ko silang lahat". Di ba bongga? Dapat nga ang pangalan nya ay Kathy eh! Kathing-kathy always!

-----O-----
So Ayan.... Our first ever Me-Me's namin dito sa blog na toh! Feel free to do your own Me-Me's with either Chase's or Mrs J's. Tag namin kayong lahat na mga bading dyan, especially Empress Maruja! Tse!
No comments:
Post a Comment