Inumpisahan kasi ng ingeterrang Ate Sienna, kaya eto nakapag-blog tuloy ako. Oo, Magkaribal Fan po ako! (Idamay na rin si Mama O). Inaabangan sa YouTube, wala kasi kaming TFC. Poorisima Pascual ang lola ninyo!
Kahit obvious na kung saan papunta ang storya, sige pa rin! Kakatuwa kasi ang awayang Vera at Victoria; Effective ang Bea; Ang cute ni Enchong! ; at Fashion-Fashion ang thema! Kaya watch ang mga bruha.
Ayan! Ang Greta ninyo. Kahit wala na sa eksena. Diva-divahan pa rin ang drama.
"Yaya! Amoy chlorox ang panyong ito! Itapon! Go!"
Suggestion lang sana:
1. Dapat gawing supermodel ala Ria Bolivar ang role ni Gigi (Bianca Manalo)! Natural ang acting ng Bb. Pilipinas-Universe na to ha! Pag-aagawan kunwari ni Vera and Victoria. Divisoria Girl turned high fashion Mannequin. Magandang side-story line yan, mga Bakla!
2. More of Bea-Enchong-Erich friendship! Yung kumakain sa Jollibee together na moment! Parang ganyan, Davu? Barkadahan ala Tabing Ilog style. Masaya man at malungkot na scenes, clique pa rin!
3. Gawing spy ni Victoria sa Vera Couture si Nina Ricci Alagao! Notice ko kasi parang one-liner lang ang role ng Binibini-after-Miriam natin. Dapat bigyan ng magandang role itong bruhang to. Sayang ang shiny nyang buhok!
4. Mag Fashion Magazine publisher na lang si Chloe (Erich) dahil di naman sya magaling mag-design di ba? Ala Mega or Preview na calibre. Or mag-model pwede na rin! Dito makikita ni Vera na talented din pala ang anak nyang adopted. (Anak kaya sya ng characters nina Arlene Mulach at John Arcilla? Wag na! Pls lang! Over na kung ganyan!)
5. Gawing ala Bryanboy manamit ang role ng baklang spy-designer ni Vera! Or di kaya ala Jujin Samonte or Toxic Boy na dating. Don't deny, dumadami na ang population nila! Para mas bongga, di ba? At para naman may aabangan tayo.
6. More Fashion Shows! at simple na stage lang sana. Yung black and White na backdrop at di masyadong kukurtinahing "bongga" dahil baduy ang kinalabasan. It reminds me of German Moreno's shows kasi. Eeew!
7. Introduce a Supermodel character. (Yung away awayin si Bianca!). Ala Naomi dapat. Diva-divahan. Pala-yosi. At please lang, dapat Skinny noh! Sino kaya ang bagay dito? Wilma Doesnt? Maggie Wilson? or Pokwang?
8. More Pinoy fashion celebrities as guest stars. (at patayin na ang role ni Renee Salud. Chos lang!) Sotto? Laurel? Moreno? or Eddie Badeo? Aaaay!
9. Mention naman sana nila ang sakit ng character ni Arlene Mulach. Curious lang kasi ako. Parang na Heart Attack, tapos nag Seizures, tapos labas agad sa hospital. Diabetes siguro, pwede pa. Ching lang at baka magalit si Aga.
10. More Fashion and more chi-chi Dresses! Ipakita ang design process ni Victoria and Jelai… their inspiration and how the dresses were made. Like kung ano ang ganap sa mga scenes this week, sana may corresponding na bonggang bonggang dress inspired by the events. May tele-novela ka na, may project runway ka pa! Di ba masaya?
Yan! Yun lang! Sana mabasa ito ng ABS-CBN. Ate Charo... maganda ka! (Charo Ronquillo, gagah! Not the Santos-Concious! Charing!) FYI, Pangako Sa Yo pa ang last Tele-Novela na inabangan ko. The Claudia-Amor war of words is back sa katauhan nina Vera at Victoria. More Amor Powers sa Magkaribal! Pls lang!
No comments:
Post a Comment