Si Mona.... kakainis. Nagyayang mag-beach. Me date raw sila ng bago nyang Jowang Pakistani. Asus! Try nya naman raw tong lahing to for a change. Malandi ang lokah.
Bitbitin nya raw ako dahil nga merong friendship naman ang papi Pakistani na dala. Blind Date raw. Wala namang magawa ang Lyka, kaya ayun. Go na rin.
In fairy ness, nasa Jumeirah Beach na nga kami. At yes! Nandoon na ang Pakistani nyang BF. Akala ko naman, ordinaryong Pakistani lang. Pero mga ineng, graduate sya ng La Salle! (Chos!). Ang ibig kong sabihin, 'westernized' sya mga gagah. And of course, pati na rin yung kaibigan nya.
Gabi yun. Madilim na. Kaya ayun. Introduction of Candidates na ang Mona kaagad. Mukhang nagustuhan ko naman ang Blind Date na yun. Me itsura naman. Kamukha nga ni Richard Gomez eh. Walang halong biro. Kahit madilim.
So there! Naganap ang dapat na maganap sa dark at secluded na bahagi ng beach. Puerto Galera moments ang mga bading with their papi Paki partners. Buti na lang walang amoy. Kasi kung meron, sorry, walk out ang drama ko talaga (sabay patapon ng sigarilyo sa beach).
Walang 80's pene ang naganap. Puro Regine and Jaya lang kami. Pakanta kanta lang with those magic mics from Islamabad. Walang palakpakan. Kidlat tahimik. The sounds of waves and Enya-nish humming lang ang maririnig. Natapos din. Alas tres ng umaga na.
Habang palakad na kami sa beach pauwi, nauna kami ng date ko, sa likod si Mona, nakipag-holding hands pa sa jowa nya. May nakikita akong dalawang Arabo na parating. Sabi ko kay Mona.... "Stop the holding hands bakla, baka mga civilian pulis tong parating". Ang sagot ba naman sa akin: "Haaay naku, naghahanap din ang mga yan!"
Mabilis kaming maglakad ng date ko at naiwanan na namin sina Mona. Nadaanan na namin ang dalawang Arabo at bumati pa ang mga ito. Walang problema... Habang kwentuhan kami ng Papu, napa-check ako kina Mona. OMG! Ini-interogate na sila ng dalawang Arabong nadaanan namin kanina.
Ang holding hands kasi!
Di ko maiwanan ang Mona. Di marunong mag Arabic ang putah! At ang kasama nyang Paki too. Siyet! Tatakbo ba ako bitbit ang date koh or balikan ko ang Mona and friend to save them ala Darna? Eh dahil mabait ako, binalikan namin sila ni Ding. Ayun pati kami nadamay tuloy. Question and Answer portion na ito! Ito ang pinaka mahirap. Di umobra ang pagka-Darna ko. Wala kasing bato!
So ayun na! Nag-decide na nga ang mga Arabo. Puta raw kami ni Mona at customers namin ang dalawang Pakistano. Wala na talaga kaming magawa. So go sa prisinto! Wala ng: "Can I call my lawyer?" Wala na yan sa Dubai! OA yan dun! Lalo na kung galing ka sa Third World.
Habang sa presinto na, seperated kami sa mga Paki dates namin. Interrogation moment. Pinatahimik ko na si Mona. Ako na ang sumagot lahat sa Q&A. Sabi ko, friends lang kaming apat, like Joey to Chandler. Ayaw maniwala. Kahit Miss India ka pa, close-minded pa rin ang mga Arab Police. Kaya ayun. Kulong!
Habang naghihintay ng escort papuntang selda, ang Mona... naglilinis ng kalat sa Interrogation Room. "Mona! Anong ginagawa mo?" Sagot: "Baka makatulong at di tayo makulong!" What? Ano raw? Minsan may pagka tanga din tong Mona na toh. "Putah ka, di makatulong ang paglilinis mong yan dyan sa atin. Mag pray ka na lang kay Mary, baka matulungan ka pa nya!" Leche kasing holding hands yan! Pati ako nadamay.
Ang ending, 24-hour detention sa selda, kasama ang mga Paki Papi. Extension ng lecheng blind date na yan! How sweet di ba?
No comments:
Post a Comment