Kelly's Caucasia
Leanne Marshall: More than a week ng diniclare ang Leanne as winner sa Project Runway pero fresh pa rin sa akin ang pagkapanalo nya. Paulit ulit ko kasing pinanood ang unedited runway show ng bruha sa youtube (click here to watch). Deserving naman talaga sya sa mga eleganteng pleats nya. Kay Korto or sya, kahit sino sa kanila. Buti na lang at hindi ang malditang Kenley.
Is it just me ba na talagang nabuang sa Music na ginamit ng Leanne sa finale? Hanap ng hanap ang Lyka kung ano man yun. Finally na-discover din. Its actually from her Musician BF, Nathan McKee. Ang title, Cookie Breath. Paulit ulit kong pinapakinggan ngayon, 3 days na! Listen here. Photo Credit: Project Rungay
Lyka's East Asia
BoA: Ang bruhang Koreana. Pop Superstar ng Asia, i-conquer na ang America. Nakapag record deal ang BoA! Tinalo ang Charice! Eh syempre maganda. At di pa bilog ang mukha. Chos!
Up Tempo Dance music kasi sya, kaya yun! They are going to do a digital version of her song Eat You Up. (Listen to the orig version here). Kahit di ko type ang music genre nya, sana successful sya. Bihira kasi ang mga Asyang sa larangan ng Western Pop Musika. Sana di sya matulad kay Coco Lee. Tsugi kaagad. Ma-BoA ang Koreanna!
Ma-BoA!!!!!!
Jessica Alba as Hannibal Lecter. O di ba, maldita? Pa cry cry pa ang bruha! Effective ang campaign! Best Actress in a Picture ang Jessica. Declare Yourself! Register to Vote ang drama. Akala ko kasi early Halloween treat ito ng gagah. Di pala.
Sa susunod na Philippine Election. Pwede ang campaign na to. Kukunin si Jessica as Hannibal. This time, si Jessica Soho na! Oh di ba mas bongga?
Lakshmi Menon: Gagah gagah! Taraaay ng gagah! Tse! Inggit lang ang Lyka sa Supermodel ng Bongga-lore! Ang skin kulay. Ang Kawadjan Lips. Ang body frame. At di mo malaman kung Espanola, African, Arabiana, Latina, Asyang or Amazona.
This year, Lakshmi becomes the sole face of Hermes; Opens the fall Givenchy couture show in Paris; And closes the spring Ohne Titel show in New York; Appears in French Vogue Editorial, photographed by Mario Testino; Walks for Jean Paul Gaultier, Stella McCartney, and D&G; And recently featured as Top-ten newcomer of the Season by Style.Com... Landi nya di ba? Tse!
Thandie Newton as Condoleeza Rice. Nalokah naman ako dito. Look at the hair. The vivig! Di masyadong wagi. Mas pwede sya as one of the characters sa mga nobela ni Anne Rice. Or di kaya mag plant na lang sya ng Rice.
But then again, knowing Thandie's acting capabilities (especially sa Crash), wag muna magsalita ng patapos. Panoorin na lang ang W ni Oliver Stone at saka na ang paghuhusga.
-----O-----
Ang sabi nga ni Jessica Alba: “Only you can silence yourself.”
No comments:
Post a Comment