The mermaid doesnt usually stay that late. Everytime na Mama O and I arrive from work, which is minutes before midnight, Jeze is already asleep. We dont share much time together since i wake up late in the morning, and she'll be already out and working at that time.
But last night, sinugud ako sa kwarto. May Chism raw sya. She started by warning me not to get offended. Ano naman ito, I thought. Sila na ba ng crush ko? Eh wala naman akong crush sa ngayon. So all ears and medyo nervous ang Bergen sa isasabog ni Ms Patel.
But before anything else, rewind muna tayo. A lot of months ago, may bitbit na mga friends si Jezebel sa bahay. Pinocchios (Pinoys). Sina Butch at Sissy (di tunay na pangalan). Sila ay mga twinkies ... Hmmmm actually, pa-twinkies. Maybe in their early twenties. Bading syempre!
Si Butch ay pamhinta at si Sissy naman you know na. Masaya silang kasama. Naging close kaming lahat. Lalo na si Butch. Character sya! Galaw lalaki talaga at feeling gwapo sya at panay pa-cute ha. Pero in fairy ness, may fez naman sya, kahit medyo majubis at pandaka pygmea. Ang sabi pa nga nya, lahat raw ng mga kaibigan nya, babae man o lalaki, crush sya. O di ba character sya?
Sinasakyan namin ang kalokohan ni Butch. Lalo na ako. Everytime na may party sa bahay, invited sila ni Sissy. Interesting characters kasi sila. Everytime na magpa-cute si Butch, flirt back din ang Lyka. I am not sexuallly attracted or lalo na, emotionally attached kay Butch. Ako, game lang kung game, pero walang meaning ang lahat na yun para sa akin. Laro lang talaga. Kung may mangyari man, eh di good, eh kung wala, kebs! Masaya kasing mag flirt paminsan-minsan. But eventually, tinuring ko naman siyang kaibigan.
A few months earlier, i received flirty text messages from Butch. Eh ang Lyka naman, flirts back din. SEB raw kami or something like that. At ako naman game. If i was that serious, talagang nagpakita na ako sa kanya at drive ko na ang bahay nya, pero hindi eh. I know he's just playing this teasing game at ako ang kalaro nya sa larong ito. Kaya di ko sineryoso. Our teasing texts then turned into friendly ones naman. And it remained that way. I told Jezebel about this at no comment lang ang gagah.
And now, back to the chismis. Nag-usap raw ang Sissy at Jezebel last night at may revelation! Ask raw ang Sissy sa kanya kung nag te-text ba ang Butch sa akin. Jezebel confirmed it. At eto na nga. Sissy told her raw about Butch. Si Butch raw ay gipit ngayon. Kahit matulugan raw wala. Dami ng inutangan ang butch. At eto ang climax: Sinabi raw ni Butch kay Sissy: "Gagamitin ko na lang muna si Lyka!"
Gosh! Ano ito? Kalokah! Wahahaha! feeling ko tuloy ako'y isang matandang bading na ginagatasan ng batang mhin! Siyet! Ganon na ba ang image ko? Di ko ma take tooooh!
I am not upset because of di pala ako type ni Butch at pera lang pala ang habol nya sa akin. I am upset because tinuring ko syang kaibigan. And at the same time, upset ako dahil gatasan pala ang tingin nya sa akin.
Kaya di ko alam kung magalit ako or tawanan ang lahat na ito. Pero, mas more akong tumawa habang nakahiga bago matulog. But before that, nag-usap kami ni Mandaya Moore-Orlis. Sabi nya: "Eh di gamitin mo rin sya!" Isa lang ang masasabi ko, ayaw kong makipag-sex sa partner na di ako feel. Walang kwenta yun!
Ang ending, Minura-mura ni sister Jezebel ang Butch sa telepono at hindi na sya invited sa Birthday Bash ng Mermaid sa sabado. Wahahahaahah! At ang sabi ko naman, it really doesnt matter. I didnt lose anything. And lets give Butch the benefit of the doubt. But thank you, Jezebel dahil mahal mo ang ate mo. Viva!
At para kay Butch at Sissy..... Tse!
No comments:
Post a Comment