Wednesday, August 27, 2008

Dubai Diaries: Page 3

Warning: Medyo Bastos

Ambulance Nurse ako doon sa Dubai. Ang mga ambulansya doon ay under sa Police Department. Every week, iba't ibang stations kami naa-assign. Kung saan may police station, doon din kami. Pero once a month naman, we are assigned outside the city. In the outskirts of Dubai kung baga. Doon sa mga desert towns na medyo me kalayuan. 4 days and 3 nights kami doon. Housed in those towns' Police Stations.

Dalawang Ambulance Nurses ang pinapadala every 4 days in each outskirt station. Swerte ka kung Pinoy ang kasama mo. Para naman may maka-chika ka. Better pa kung bading na katulad mo. (Pero yung ibang bading, ayaw makasama ang ibang bading. Competesnya raw. Ill explain later.) Kung minsan chakang Egyptian for the whole 4 days ang kasama mo sa kwarto. Di ba kalokah yan? Sobra pa ang hilik ng mga toh. Para ma-aliw ang sarili, magbasa ka na lang ng Anne Rice. Or di kaya Ken Follet kung paminta ka. Chos!

So eto na. Minsan, na-assign ako sa outskirts. Salamat naman at kasama ko'y Pinoy din. Straight ito, chubingbing. Me asawa't anak. Tawagin na lang natin syang Chubs. Pagkatapos ng report from the previous assigned Nurses, tulog kaagad ang kasama ko. Ako naman walang magawa kaya istambay sa labas. Yosi habang nakikinig kay Enya (Discman lang dahil wala pang IPod noon). Chaka ang mga Police dito. Matatadush! Kalokah. Di wagi ang duty ko dito. Sana walang tawag ang Ambulasya sa buong four days para naman vacation ang drama sa desyerto ni Lyka.

Doon lang ako sa labas. Inumpisahan ko ng magbasa kay Anne. Cry To Heaven. Page four pa lang at nahinto na ako. May dumaang tumatakbo sa harap ko. Arabong Police. Off-Duty. Jogging ang drama. Leche! Ang gwapo! Tumingin at walang smile. Hmmm.... maghintay muna si Anne at ang kanyang Castrato.

Everytime dumaan ang Papa Police, nakatingin ito sa akin. Wala pa ring smile. Yosi pa rin ako. Wala ring smile. Pinagmasdang mabuti si Papa Police. Naka-shorts at naka sando. Malaki ang katawan. Parang porn star ng Raging Stallion. Lokang loka ako. Dark skinned pa man din. Leche! Wala talagang smile, puro tingin lang. Ilang beses naulit ito everytime napadaan sya sa harap ko. At nahinto na lang tinginan naming dalawa dahil kay Chubs: "Pare may yosi ka pa?"

Ayon! kwentuhan ever na lang kami ni Chubs. Lahat ng problema ni Chubs nakwento nya na. Pasalamat sya at walang Emergency na nagaganap sa town na yun. Otherwise, wala syang advice na makukuha sa akin.

Buong araw ang kwentuhan namin ni Chubs. Sa kwarto, sa labas ng kwarto, sa mess hall, sa labas ng mess hall, kahit saan. Di ko na nakita si Papa Police ulit. Asan na kaya sya? Until dinner time, sa kitchen, habang kumakain kami ni Chubs, nakita ko ulit si Jogger Police. Naka-uniform na ito. Ahaaa! Afternoon shift pala sya. 1PM to 9PM pala ang duty nya. Ngayon, alam ko na. May pag-asa mamayang gabi. Chos!

Gabi na. mga 10PM. Kwetuhan pa rin kami ni Chubs. Sa isip ko naman. Chubs! Matulog ka na! Eh ayaw pa. Kakainis naman. Anyways, di ko naman sight-tsina si papa Police ko. So OK lang. Sa labas kami istambay ni Chubs. Yosi here and more kwentuhan there. Bitbit ko pa rin ang walkman ko. Tanong ni Chubs kung ano ang CD ko. Enya, sagot ko. "Parinig" sabi nya. Ayun pinakinggan. Type ng bruho. As in like nya raw. Pampatulog. Sabi ko, sige hiramin mo. At ayun napag-isipang matulog na ni Chubs. Bitbit si Enya. Tanong: "Eh Ikaw?" Sagot: "Mamaya na ako".

Mga isang oras din ang yosi-tambay ko ng nakita ko ulit ang Raging Stallion.


Itutuloy.... Bukas naman at antok na ako!

No comments:

Post a Comment