Sunday, September 16, 2007

Character: Teresita

Si Teresita, co-worker ng Mama O, nag-party sa bagong bahay nya kahapon. Bitbit naman ako ni Mama O kaya join na rin ketch. Of course, another Pinoy party na naman to. Lafang here and there na naman. (In fairyness, masarap ang Cassava Cake).

Teresita is from Dumalag, Capiz. Medyo may katandaan na at matagal na rin dito sa Tate. Doon sa bagong garden nila ganap ang kainan. Maganda naman talaga ang garden ng Teresita. At sya lang talaga ang nag landscape nito and did the planting herself.

Si Mhel, isa sa mga bisita, ang kasama namin ni Mama O habang palakad lakad sa garden enjoying the plants and the flowers. Si Mhel ay may napansin na interesting na halaman. Ito ay parang grass. Green, na parang Bermuda. Nice tingnan at smooth hipuin. "Oo nga ano?" sabi ni Mama O. "Ang cute!"



"Teresita!" tawag ni Mhel. Lapit naman si Teresita. "Anong tawag dito?" tanong ng Mhel habang tinuturo ang halaman. "Ah yan? Japanese Mousse yan!". "Oh.... Japanese Mouse" duet namin ni Mama O. "Saan naman mabili yang Japanese Mousse na yan? Makabili nga rin yan" sabi ng Mhel.

Pagkalipas ng 10 questions and answers about the Japanese Mousse, nagyaya si Teresita na tingnan ang Apple Tree nya. Si Mhel na ang sumama. Napaiwan kami ng Mama O.

"Japanese Mousse? Pwede to sa garden natin 'Day" sabi ni Mama O sa akin habang hinihimas ang Japanese Mousse. "Teka bakit Japanese Mousse ang tawag?" asked ko. "Hindi naman sya parang gel at fluffy"... "Baka smooth lang sya kaya naging Mousse ang tawag" sagot ni Mama O. "Smooth talaga yan, dahil lumot yan!" sagot ko.... "Lumot!" At bigla na lang kami napa-stare sa isa't isa at tumawa ng tawa.

Japanese Moss! Gosh! Yun pala yun! Kaya LOL kami ng Mama O. Napalapit si Teresita. "Oh bakit kayo tawa ng tawa?" asked nya. In unison, sagot namin ni Mama O, "Wala!"

(Buti na lang at di kilala ni Teresita si Kate... si Kate Mousse!)

No comments:

Post a Comment