Sunday, August 12, 2007

Happy Birthday LTE!

(Anniversary Special)



This Day, Last Year.... LTE's first post, Mga Gaga Gaga hu! by Ekra Tan was published. August 12 2006 was when this blog officially started.

Ang tatlong badings (Ekra, Kelly, and Lyka) ay merong individual blogs dati. They were mainstream blogs nga lang.... personal blogs, in other words, pampamilya.

But this month of last year, they were influenced by their Fairy GodBloggers Charles Ravndal of The Queer Chef, Empress Maruja with her Random Lives, and the Life Funtastique by Jase, and decided having a group blog na rin to show their own malanding mataray bading sides. Ayun! Born Free na ang mga bading sa blog nilang LTE.

Why, Las Tres Estrellas? Si Ekra ang nagbigay ng pangalan dito. Dahil nga three kami, hiniram ang name ng sikat but cheap na retail store doon sa aming probinsya. Ang Las Tres Estrellas store ay tindahan ng mga damit ng mga ninang sa kasal.

This blog's original purpose was to share the ladies of Las Tres Estrellas own thoughts about everything bading and to know and grasp the minds of other Pinoy badings out there through their comments regarding any topic posted. Eventually, it turned out na anything goes na lang. Me tarayan, tuksuan at kabastusan. Characteristics na di mawawala sa ating mga backlash.

The first ever comment was made by Annabanana (Asan na kaya ang bruha ngayon? Nangibang channel na siguro. Vakit?... Sa dahilan na sya nga ang First Commenter ever, pero di naman na nominate for a Titi. Ching!).

Thanks to our sisters from the start na hanggang ngayon tuloy pa rin ang suporta. Salamat kina Charles Ravndal, Empress Maruja, Jase, Kiss My Mike, Goddess, Megan, and Bananas. Mula noon, Hanggang ngayon, at sana, Magpakailanman. Chos!

Then came Mama O. Ayaw magpa-iwan. Join rin ang bruha. Tatlong bading lang dapat pero dahil gusto rin ng Mama.... ginawang Las Tres Estrellas with Mama O na ang drama. 3 sisters and their loving mother kung baga.

The first other muning to feature us in her blog is no other than Jerome aka Bridget Jones. Hoy bruha! Miss ka na namin. Bat biglaan naman ang snub mo sa amin ha! Never ka ng bumalik ditets. Vakeeeet? Tse!..... That was the first ad we got outside this blog. Talaga tong si Bridget Jones, building bridges talagah.

Di lang mga ka-federasyon ang napadpad dito mula noon. We have our Girl-Friends too. Megan, Maui, Ate Sienna, Claire the Cat. Ang mga tunay na mujer na bading ang character. In other words, Mga Bading with Muning. Maheeeng!

At di rin exclusive for bloggers and may karapatan ditets but also those faceless, blogless bitches like Oxana Olafski (the first ever blogless bitch to win a Titi), Buritto, AJ S0autteu, ang mga bwisit na mga Anons, atbp.

We met different kind of badings and bading-lovers out there sa blog na to but the only beauty we met in person is no other than the Indian Mermaid aka Dyesebel Patel who now live with us in Mama O's house of the flying daggers. Aaaay! si Maui din pala. Kaibigan na sya ng Kelly dati pa pero naging friendship na rin ang LTE dahil sa blog na tosh.

Charles Ravndal knows Lyka before LTE pa through blogging din pero di pa sila nag-meet in person. Charles is also the one who designed the LTE template. Zalamat sa you, Chase! Di naging colorful ang blog na toh kung hindi dahil sa yo!

And to all of you who na bumibisita dito. Bading man or hindi. Pamhinta or Parlorista. Napadaan man or talagang sinadya. Nag-leave ng comment or di type. Zalamat.

Para sa inyo to:


At sa di na-mention. Dapat eksenadora kayo next time para naman ma-notice! Thank you na rin!

I feel a very unusual sensation - if it is not indigestion, I think it must be gratitude. ~Benjamin Disraeli

No comments:

Post a Comment